Madaling maka-appreciate ng gusali, ng istraktura, ng estatwa, o ng hardin. Pero bihirang mabigyan ng pansin ang mga tulay.
Ang tulay ay nag-uugnay ng maraming bagay, lugar, pangyayari, o maging tao! Isipin na lang natin ang importansya ng mga tulay!
Ang una kong litrato na ibabahagi ay isa sa mga paborito kong tulay. Ito ay matatagpuan sa Avilon Zoo. Mahilig ako sa ganitong uri ng mga tulay…yung parang may pagka-environmentalist ang dating. Ang maganda pa dito na gustong gusto ko ay ang kalikasan na pumapalibot dito. Ang ganda diba?

Ang tulay na susunod, parang sa ibang bansa ano? Pero hindi! Alam nyo ba kung saan ito?
Ito ay ang San Juanico Bridge, na nag-uugnay sa Samar at Leyte. Maraming naging kwento ang tulay na ito…kesyo daw may mga buto ng bata na inilagay dito o di kaya’y dugo ng mga bata! Haay, ayokong isipin na ganito nga. Basta, hindi man ito world-class, natutuwa parin ako at meron din tayong ganito sa ating bansa.
Halina’t tingnan ang iba’t ibang tulay ngayong linggo sa Litratong Pinoy!
Para ngang sa ibang bansa yung san juanico bridge! sana makarating din ako diyan.
I’ve passed by San Juanico Bridge several times because I am from Samar. And yes, nung bata pa ako, maraming mga creepy na kwento tungkol sa bridge including one which, as a young girl, I found really scary: na noon daw kino-construct ang bridge na yan ay maraming batang dinudukot at inaalay ang blood nila sa mga engkanto sa dagat para daw maging matibay ang tulay. hehehe
Posted by Nortehanon at May 8, 2009, 9:00 amthank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 18, 2010, 2:55 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
I want to cross San Juanico Bridge one day. I think it will be quite an experience.
Posted by kayni at April 30, 2009, 10:06 pm