Matagal tagal ko na ring binibisita ang mga litrato dito sa Litratong Pinoy…at matagal ko na ring iniisip kung sasali ako. Nang nalaman ko na ang tema sa linggong ito ay gusali, naisip ko na ito na ang panahon upang magsumite ng aking unang lahok dahil sa dami ng kuha kong gusali.
Kaya heto ang aking unang mga litrato.

Central Station: Amsterdam

Town Hall, Grand Place, Belgium
Yan ay mga gusali sa Amsterdam at Belgium. Nang una kong nakita ang mga yan, sa totoo lang, lumuwa ang mata ko at matagal bago ko naisara ang bibig ko. Talaga namang manghang-mangha ako sa ganda ng mga gusali. Wala akong nasabi kung hindi “WOW!” Makikita mo na hindi lang basta gusali kung hindi work of art na rin. Tingan nyo na lang kung gaano kabusisi ang mga disenyo. Yung Central Station, stasyon ng tren yan ha pero mukhang kastilyo! Talaga namang nabusog ang mata ko sa mga gusali sa Europa!
Gusto mo pa ng ibang gusali? Tara na at tumingin ng iba pang lahok sa Litratong Pinoy!
ganda naman ng mga kuha mo! sa unang litrato, hindi lang yung magandang gusali ang napakita mo, pati ang ganda ng bughaw na langit sa tuktok nito!
sana sali ka pa rin sa mga susunod na LP!
welcome sa LP! ang ganda! pangarap ko makapunta sa amsterdam!
ayus! gusto ko rin sumali sa litratong pinoy hehehe pero ala ko pambatong cam eh! ayus mga kuha mo! galing!
Posted by sunny at April 23, 2009, 11:43 amsunny, di kailangan dito ng magandang camera! basta magaling ka kumuha!
wow, nice talaga ang buildings sa ibang lugar, worth taking a shot…
Posted by sheng at April 23, 2009, 3:29 pmmaligayang pag-anib sa LP! =] nawa’y maging masaya ang lingguhan mong paglibot sa buong mundo tuwing huwebes =] salamat sa pagbahagi ng iyong mga WOW! na alaala sa amsterdam at belgium =]
Posted by ian at April 23, 2009, 5:34 pmmaganda yung unang pix
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista ![]()
Salamat sa pagbisita
Ganyan din sigurado ang magiging reaction ko kung makikita ko sa unang pagkakataon ang mga gusaling iyan. Totoo, work of art.
Posted by Lynn at April 23, 2009, 8:30 pmganyan na ganyan ang reaction ko sa grand place ng brussels. naligaw kasi ako sinundan ko lang ang isang cross kasi alam ko na simbahan yun at gusto ko rin na kunan ng litrato.
maluha luha pa ako sa galak dahil di ko na expect na ganun ang aking daratnan.
congrats sa unang lahok mo..ang ganda nila
Wow talaga ang mga buildings na yan, lalo na sa loob!
welcome sa LP at mahusay ang una mong lahok
salamat sa pagdalaw ha, ’see’ u next week!
ang gagandang gusali!
Posted by Munchkin Mommy at April 24, 2009, 11:17 pmso pretty =). wishing i was there - again. that grand plaza in belgium, i think i stayed the longest just eating belgian waffles and drinking coffee. i also love the painters there.
Posted by kayni at April 25, 2009, 12:30 amHi Kg Glad you joined na rin.
love your photos. Thanks for sharing Belgium to us!
@sunny: join masaya sa LP
at tama si Kg wala sa cam yan. kaya dali sali na!
thank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 24, 2010, 5:51 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Uuy! Buti sumali ka na rin! Ganda ng mga lahok mo ah! Maligayang Huwebes!
Posted by Rico at April 23, 2009, 10:08 am