Nabasa ko ito sa issue ngayon ng Funfare (Philippine Star). Sobrang nakakatawa dahil totoong totoo!
Top Signs of a Pinoy Flick (contributed by a certain Ronald Villaranda):
1. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan.
2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!”
3. Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit Mayo at tanghaling tapat.
4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida).
5. Sobrang hinhin ng leading lady pero daig pa ang porn star kapag love scene na.
6. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya.
7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso).
8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban. (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida).
9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (palo china o dos-por-dos na gawa sa styrofoam).
10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya.
Ha! Ha! Alam kong lahat tayo ay nakanood na ng pelikula na may mga ganyang eksena…
Isa pang tatak ng pelikulang Pinoy ay ang di ko maintindihan na eksena kung saan, madalas pagkatapos ng lahat ng bakbakan at barilan, ay bago mamatay ang bida, nasasabi pa nya lahat ng gusto nya sabihin, lahat ng bilin o lahat ng “mahal kita”, bago malagutan ng hininga!
Lando [nangingisay na at duguan]: Giiinnaaa…
Gina: Andito ako, lando.
Lando: Ginaaa….may ibibilin akooong importante. Alam long malapiiiit na magwakas aaang buhay koooo…naraaaramdamaaan ko na.
Gina: Wag ka magsalita ng ganyan Lando…papunta na tayo sa ospital…ayan na…matitingnan ka na ng doktor…
Lando: Hindi naaa Gina…alaaaam ko katapusaaaan ko na…guuuusto ko lang sabihin naaa….
Gina: Wag ka na magsalita Lando…ipunin mo ang lakas mo…
Lando: Hindiii Gina…dapat mo malaaaaman….dapat mo malaman na maaahal na mahaaal kita….
Gina [hagulhol na]: Huuuuu……wag mo ko iwan Lando! Wag!
Lando: May ibibiiilin lang akong importaaaante…importante ito sa akin Gina..
Gina: Ano yun Lando?
Bida [hirap na magsalita]: Yunng….yuunggg….yunnng labada ko di pa naiisampay…baka makulob na….[hak! patay na!]
Sakto..naibilin pa nya ang labada bago namatay! Ang galing ano?
Napansin nyo rin ba na madalas, ang mga bida at ang pamilya o kaibigan o kapareha nito ay nag-ou-outing sa beach o resort? At take note, di lang basta outing, kailangan pang may production number. Ayun, habulan sa beach or sayawan sa swimming pool ang drama nila! Minsan, kahit hindi na sa beach or resort, basta kailangan may kantahan at sayawan! Bongga! [Sa totoong buhay ba may nakita na kayong gumawa nito sa beach?]

Juday and FPJ [kumakanta sa may mga puno]:
Ang isang pag-ibig ay parang lansangan
Na pangdalawahan
Kaya’t sa ating awit tayo ay mag-bigayan hah
Hah awitin mo at isasayaw ko
Oh hoh hoh hah awitin mo at isasayaw ko
Hah hah hah
Sa totoo lang, nakakahiya mang aminin, hindi pa ata lalampas sa lima ang pelikulang Pilipino napanood ko sa sinehan simula ng bata pa ako. Ang iba sa mga naalalala ko ay Sana Maulit Muli (Aga Mulach and Lea Salonga), Batang PX (Zsa-Zsa Padilla and Patrick Garcia), at Dito sa Pitong Gatang (FPJ), kung saan pinilit pa ako ng mga magulang ko. Alam ko my iba pa akong napanood, pero nakalimutan ko na.
Kung tutuusin, sa mga nagdaang mga taon, medyo nag-iiba na rin ang takbo ng istorya ng mga pelikulang Pinoy….nakaka-isip na rin ng ibang twists at eksena. Kung dati ay prediktable ang istorya, ngayon ay medyo hindi na. At marami na ring nakakatuwang panoorin, tulad ng A Very Special Love, na puro puri ang naririnig ko. Kung baga, talagang pinipilahan na at dumadayo na ang mga Pilipino para manood ng pelikulang Pilipino. Nakatuwa din kahit papano diba?
Kaya sa mga gumagawa ng pelikula [o kaya sa mga play sa school] na tinamaan ng “paratang” sa taas, trabaho lang, walang personalan.
Maligayang linggo sa inyong lahat!
Hay naku KG, hindi na ako nanonood nga mga Pinoy films, masakit man pero totoo, I don’t watch them anymore, feeling ko nagsasayang ako ng pera pag nanonood ako ng ganyan, I just think they’re not worth it, masyadong predictable ang mga yan.
Posted by sheng at February 3, 2009, 8:42 amNapanood ko din yun dito sa pitong gatang. fan na fan ako dati ni FPJ! haha.
ang naalala ko lang sa pinoy flicks, yung tumatakbo si monica herrera na naka-swimsuit sa beach tapos ang sasalubong sa kanya si rene requiestas. nakakatawa yun!
Hi KG! dagdag ko lang, yung bida pag hinahabol na ng mga kaaway, lagi may dalang pampasabog! at lagi sa likod ng bida! hahahahha!
nako tamang-tama ka diyan sa sinasabi mo sa taas! nakakahiya mang aminin pero hindi ako nanunuod ng pinoy film dahil na rin sa mga dahilan na binigay mo sa taas. sa mahal ng bayad sa sinehan pakiramdam ko sayang ang pera ko. pero sigurado naman ako na may magandang pinoy film din, kaso di ko lang napanuod.
Posted by PM at February 3, 2009, 11:11 amThe only Tagalog films I watch are those made by Ai-Ai delas Alas. She’s really funny. Si Eugene Dominggo(?) magaling din.
Posted by Rico at February 3, 2009, 11:26 amHindi rin ako ganong nanonood ng Pinoy films sa sinehan. Pinanood ko lang dati yung ‘Pare Ko’ nung highschool pa yata ko kase crush ko pa nun ang Gwapings. Hahaha (nakakahiya!). Pero after Christmas last year, nanood kame ng mga pinsan ko nung movie ni Ai Ai, yung sequel ng Ang Tanging Ina. Okay naman. Sobrang nakakatuwa.
Posted by witsandnuts at February 3, 2009, 12:06 pmnaalala ko tuloy si rene requistas! institusyon na rin yun sa comedy!
Posted by kumarenggrace at February 3, 2009, 12:50 pmhahhaha grace may nakalimutan pa cla!!
laging madrama or action palaging may kantahan anywhere sa kanilang film ahihihih as bem said
thank you for sharing
Posted by louraine at February 3, 2009, 1:08 pmFPJ fan ako. Pinanood ko pa yung kalibre .45 nya tska lahat ng panday. bata pa nman ako nun, kaya tuwang tuwa ako. mula nun di na ako nakpanod ng pelikulang pilipino… wala na kasing maganda eh no?
Posted by ka at February 3, 2009, 3:53 pmhahaha very true ang sinabi mo….lalo na yung darating ang pulis oag tapos na ang bakbakan….
Posted by jeanny at February 4, 2009, 12:36 amyes, i remember watching movies with singing and dancing out of context…lol. the last Pinoy movie i saw was “la visa loca” and i couldn’t stop laughing. there was a singing portion, but it complemented the story. have you seen bollywood movies? they do a lot of the singing and dancing too.
Posted by kayni at February 4, 2009, 12:48 amEto ang sobrang tuwang tuwa ako sa mga action films natin. Pag binaril ang mga goons, iisa ang arte nila. Yung tipong nanginginig na ewan na parang nag sa-salsa. Kahit isang putok lang, kala mo nira-ratrat sila ng machine gun.
Tapos yung mga pulis, laging may nakatali sa ulo na panyo. LOL!!
tama…yung mga pulis ALWAYS late pag dumating..as in tapos na yung aksyon at natalo na ng ISANG bida LAHAT ng kontrbida.
Posted by kumarenggrace at February 4, 2009, 6:52 amthe last pinoy film i’ve watch was cesar montano’s Panaghoy sa Suba. but before that was that vilma santos/christopher de leon starrer way back in the 80s. it was the most boring of films but it won best picture, best actress and best actor awards. hayyy.
ngayon naman meron daw mga indie films pero puro babae at lalaking hubad ang laman para tawaging indie. lahat mga storya ng bakla. ewan.
Posted by Edik at February 5, 2009, 7:13 amako nga edik, di ko na maalala huling pinoy movie na naponood ko sa sinehan…
Posted by kumarenggrace at February 5, 2009, 7:58 amAko rin may idadagdag. Yung mga balasubas na goons na bigotilyo at maskulado at nakasuot ng leather jacket na itim? Hantayin mo sa dulo ng pelikula, pagdating ng production number sa beach, di mo akalain dancer din pala.
boknoi, baka yung napanood mong pelikula, kulang sa budget, kaya yung goons, sila na rin ang backup dancers…
Posted by kumarenggrace at February 7, 2009, 5:18 pmgaling ng lando-gina eksena, lakas ng tawa ko! hehe
:D laging hahuhulaan ang ending ng pinoy films. per in fairness, medyo marami na rin ang maganda ang plot, kaya lang, di ko rin napanood! hehe
sa totoo lang, na miss ko na ang ka-kornihan ng pinoy films ngayon. por da pirs taym. kahit siguro pinaka corny, panonoorin ko ngayon. *cue maalaala mo kaya soundtrack*
hahaha aus mukhang halos lahat ng tagalog actions napanood mo ah hehe.
kaya ako sawang sawa na ako sa actions ng pinoy. mas pinipili ko na lang ngayon ang mga comedy hehe.
sabagay, may mga action movie pb sa panahon ngayon? hehe
Posted by PinoyFastTraffic at August 10, 2009, 10:13 amhi!! nakuha mo pala ‘to.. Im Ronald Villaranda.. kakatuwa naman..
Posted by Ronald Villaranda at August 23, 2009, 8:57 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
ay! trulili KG! kainis ‘no? lalo na yung may mga production number sa beach o sa park!
Posted by Bem at February 2, 2009, 8:03 pm