Kagabi, nang patulog na kami ni Wendy, papikit na ang aming mga mata, bigla syang kumanta:
You’re way too beautiful girl…
Aba! Kumanta pa! Malamang naalala nya yung kanta kasi ito yung sinayaw nila noong Christmas party nila. Sumabay na lang ako sa kanya…
You’re way too beautiful girl… [feel na feel ko…ngitian kami]
Kaya parelax ka lang. Dito na sa speed babad, speed babad. Worry mo ay over!
ANOOOO!!! Tawa sya ng tawa sa akin! Ano yun!?! Jingle pala ng Speed Babad and naalala nya! Wala na kong nagawa kung hindi tumawa na lang din!
Naalala ko na naman tuloy ang napakaimportanteng papel ng mga kanta para sa isang produkto. Ang isang “catchy” na jingle ay napakalaki ng nagagawa para sa commercial ng isang produkto. Isipin mo nga naman, pag nasa grocery ka, di mo alam ang gatas na bibilhin mo, tapos bigla mong maalala…
Wala pa ring tatalo sa Alaska!
Ayun…e di derecho ka sa Alaska!
Pero minsan, sa dami ng ating pagpipilian, nakakalito din naman. Kunwari, san ka nga ba kakain?
Sa
I Love you Sabado, Kahit buong linggo. Hintay ka lang Jollibee nandyan na ko…
o sa
Paparapapa love ko to …
Minsan, para mas lalong pumatok, merong may actions pa!
Ito ang beat sabay sabay, ito ang beat bawal sablay
pabilis ng pabilis, wag mag mimis wag mag mimix
gets mo na? gets kona! ang ahh….
Coca cola nalilito nalilito, nahihilo, nahihilo
coke ko toh, coke ko toh, coke ko toh….
Yung iba, inaakma sa panahon. Para nga naman feel na feel mo na ang produkto ay naaakma sa mga araw:
Ang bango ng Pasko ay walang katulad, parang bagong damit na di kumukupas
Pero meron din namang kahit anong panahon ay pwede, yun bang nakatatak na sa mga isip natin, at kahit na 15 0 20 na taon na eh naalala pa natin [kung hindi man ay memorized pa!]. Sino ba naman ang makakalimot sa…
Seiko, Seiko wallet. Ang wallet na maswerte! Balat nito ay genuine, international pa ang mga design. Ang wallet na maswerte. Seiko, Seiko wallet! Seiko, Seiko wallet!
Sabayan mo pa ng
I’m gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your window too!
Pag nakanta mo yang mga yan [baka may action ka pa], alam mo na kung saang henerasyon ka kabilang!
Ako? Ang aking paborito [di nga lang sya Pinoy]:
As long as there is thirst, there’s always the real thing.
Coca-cola is always the one. Whenever there is fun, there’s always Coca-cola.

OFFTOPIC na pahabol: naalala ko yung ireland trip namin. kumain kami sa mcdo (8pm, with the sun still up there). yung plastic cup nila, mayroong “Love Ko ‘To!” ang saya namin nung mabasa namin yun! hehehe.
Posted by eks at January 21, 2009, 7:10 amdi ko na inabutan yung, “im gonna knock on your door…” ni friendly electrolux man haha. kasabayan pa ata yon ng commercial ng 680 home appliances at show ni tito pepe pimentel na kwarto o kahon. haha. boy, it’s been almost three decades ago
alam mo gusto ko yung commercial ng coke…yung me action. Naku sa eskwela paligsahan kami ng aking mga kamag aral hahaha…
So alam mo na kung anong age ko na cguro hahah!!!
HAppy Day Kg. Nice entry
basta ako gusto ko ng finger lickin’ good ng kfc. hehe.
Posted by mordsith at January 21, 2009, 9:54 amAy KG, love na love ko ang Coke, it just so happened na parang tumataba ako ng husto dahil dito, so I have to limit my Coke intake, one of my new year’s resolutions, and I am doing good at it. Haha!
Posted by sheng at January 21, 2009, 10:11 amglenn, oo, i remember yang kwarta o kahon at ang roleta ng kapalaran!
jeanny, magcocompute pa ako ng age mo… i can’t really recall na rin kasi kung kelan sumikat yung coke commercial na yun eh.
Basta pinakaayaw ko na commercial ngayon yung sa beer, yung binabagsakan ang guys ng higanteng beer kasi yung isa sweet sa gf niya habang kausap sa phone at yung isa naman e nag commennt na di bagay ang stripe bikini sa isang girlalu. Parang homophobic na di mo maintindihan. Well kung ang target market nila e mga maton sa kanto sana walang mag patronize na girl, effem boy, bakla o tomboy sa kanila noh!
Nice post KG
Kakatawa! Totoo yan! Totoo yan! Yung isang friend ko naman lahat ng ine-endorse ni Sharon Cuneta binibili nya, kahit anu.
Posted by Rico at January 21, 2009, 11:26 amHeehee, nakakaaliw! Nacocompare ko nga yung mga local ads nila dito sa UAE, nacocorny-han/ nabababawan ako, hehe. Or siguro masyado lang akong pusong Pinoy.
Posted by witsandnuts at January 21, 2009, 11:42 ameto classic:
“let’s sit and talk awhile in the one world of Nescafe”
peborit ko to! mga wet look and mga tao kasi madalas umuulan ang scene hehehe
Posted by ka at January 21, 2009, 6:58 pmnice post! nage-enjoy ako magbasa dahil naalala ko ang mga commercial nung bata pa ako. kaka-aliw!
“wanna see what happens in a pack of nips
what goes on before they touch my lips
they make a rainbow (chocolate nips)
a choco rainbow (chocolate nips)” (nakita ko kasi sa picture mo)
alam ko yung sa seiko pero di ko yun naabutan…narinig ko lang.
rico, buti di nananba friend mo…diba parang puro junk food ang ineendorse ni sharon?
i remember a classic commercial with a nice song, I just can’t remember the product. but the song goes: “I’d like to teach the world to sing in perfect harmony…”
Posted by kumarenggrace at January 22, 2009, 9:24 amgreat post! napakanta ako sa mga familiar jingles hehehe. my favorite is the nips jingle. the one that goes, “i wanna see what happens in a big of nips. what goes on before they touch my lips. they make a rainbow…” i can sing that from start to finish complete with the punchline, “nips! nips!”
Posted by glenville at January 22, 2009, 1:59 pmako pag may friend ako na lulusot pa, kakantahan ko lang ng jingle ng seiko wallet. hirit ko ganto: anu ka sinuswerte? seiko seiko wallet, ang wallet na maswerte! hahahaha!
kakatawa yung kay papa p na speed hahahah! grabe ang jingle!
I have an award for you. =)
Posted by kayni at January 23, 2009, 1:43 amNakakatuwa naman
Gustong gusto namin ni AJ yung commercial ng jollibee. Namiss ko chicken joy ah…wala kasing jollibee dto sa NC.
HAHAHAHAHA! This is my favorite entry to date!
Speed babad! LOL! Panalo.
Ang hindi ko makalimutan yung jingle ng Asahi.
“Asaheeeee, cools so well. Asaheeee, light as a breeze…Turn turn on the Asahi fan, turn turn on the Asahi fan. Asaheeee!”
Memorize ko rin sa Pampers. LOL!
“Good morning, good morning, dahil sa Pampers ang sleep mo, ang sleep mo mahimbing. Iwas leaks, iwas leaks after 12 hours, masarap masarap ang gising…”
Tapos inis na inis naman ako sa jingle nung Equitable PCI Bank!
“How can we help you today…Equitable PCI Bank (Equitable PCI). All we do is offer you to be the bank of choice…”
Kahit mali-mali ang lyrics, okay lang. Basta nasa tono. Hahahaha!
Posted by dyosa at January 24, 2009, 2:14 ameto pahabol:
“i remember yesterday, the world was so young… fun times with grandma…look at my mole, magaling akong sumayaw…”
heheh…
Posted by banana republic at January 24, 2009, 9:10 pmLOL!!! Sobra akong naging nostalgic sa post mo. Eto mga favorite ko:
“I can feel it!” ni Alice Dixon and her infamous shoulder gesture.
“It’s lehberty condensed melk!!” by the infamous tindera from Visayas.
“Seiko seiko wallet! Ang wallet na ma swerte!”
OMGOSH! lumalabas tuloy edad ko! yikes!
Posted by garando at January 25, 2009, 4:51 pmnice post. as usual, aliw na naman basahin. hmmmn… ano nga bang mga comml na nakatatak sa isipan ko nung kabataan…
> yung Hi-C! (dum-de-dum, delicious hiC, na mga batang foreigner ang kumakanta. )
> birch tree (ano nga bang tag line nun?)
> anchor (i believe the children are our future…)
> dunkin donut (cute ang mga commercial nila noon)
teka, nakalimutan ko sabihin - ang cute nyo ni wendy. hehe ang kulit.
Posted by Bem at February 25, 2009, 1:18 pmthank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 25, 2010, 3:33 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
this has always been my all-time favorite:
“Fresh goes better, Mentos freshness, fresh goes better with Mentos fresh and full of life.”
hehehe, panalo kasi nakakatawa yung mga commercials nila e!
(and “i love you sabado” is waaaayyy better than “love ko to”. hahaha.)
Posted by eks at January 21, 2009, 7:09 am