
Kagabi, ng nagsimba ako, napansin ko na super lamig. Pero iba ang lamig nya…lamig Pasko.
Hindi ko alam sa inyo, pero para sa akin, iba talaga ang simoy ng hangin pag December na. May ibang lamig, may ibang bango. Sabi ni The Husband, pano daw namin yun naamoy ni Jane (The Wife). Ano ba daw “amoy” yun? Sa totoo lang di namin ma-explain–nararamdaman lang namin. Di ko alam kung psychological lang, pero iba talaga ang pakiramdam ko…iba ang hangin. Ang saya.
Basta ako, iba ang saya ko pag Pasko. Ito ang paborito kong part ng taon.
Ikaw, nararamdaman at naamoy mo ba ang bango ng pasko?
[Yung mga nasa ibang bansa kaya, pareho din kaya ang simoy ng Pasko doon?]
Maligayang linggo sa inyong lahat!
ay oo!
parng ako naamoy ko rin. grabe. nakasra lahat nang mga bintana namin. sobrang lamig.
diko kinaya. ang tubig parang me yelo
Malamig na dito. Pero hindi amoy pasko haha. Siguro pyschological din. Dyan kase satin ’simoy pasko’ talaga. Lalo na pag simbang gabi at naaamoy natin ang bibingka at tsokolate at puto bumbong. =)
Posted by witsandnuts at December 6, 2008, 10:27 pmAko din, favorite time of the year ko ang Christmas…more than my birthday. Para sa akin, ang amoy ng Pasko ay amoy ng pulbura (may pagawaan kasi ng fireworks ang parents ko, hehehe).
Posted by TPS at December 6, 2008, 11:10 pmnaalala ko pala, pag naka-amoy ako ng crispies (bagong pera), naalala ko ang Pasko. siguro kasi na-associate ko na yung amoy nun (pag may namimigay tuwing Pasko) sa Pasko…he! he!
Posted by kumarenggrace at December 7, 2008, 6:55 amang hangin [ag Disyemre ay may kakaibang lamig noh?
Excited na ko magChristmas
korek po…yesterday morning maginaw nga…actually the whole day…talagang feel mo na lapit na ung christmas…
Posted by khuletz316 at December 8, 2008, 1:33 pmuu nga kg, nafi-feel ko na at naamoy ang christmas. nafi-feel ko na rin na mauubusan na naman ng pera sa dami ng inaanak hehehe
Posted by dylan at December 8, 2008, 2:32 pmpag naramdaman ng mga pinoy yung malamig na simoy ng hangin sa kahit anong buwan ng taon, lagi natin sinasabi, “parang pasko.”
Ang sarap talaga ng December kase malamig ang panahon!
Tapos whenever I smell puto bung bong, bibingka and castanas… amoy Christmas na talaga!
yes, it’s so festive here as well. i do feel the excitement of christmas. with me, the excitement starts in november due to all the holidays we get. i also start playing christmas songs at work.
yes, i smell and feel the spirit of christmas too.
Posted by kayni at December 9, 2008, 12:06 amdylan, ako di ko nafi-feel na mauubusan ako ng pera dahil nauubusan na ako..he! he!
kayni, I’m glad you feel the Christmas spirit there as well. Being away from home is bad enough, but at least you still get to enjoy Christmas!
I love celebrating X-mas in the Philippines. Iba kasi talaga pasko dyan sa atin. Ibang amoy ng puto bungbong at bibingka… nakakapanghalina hehe…
Kapag malamig na dito isa lang ibig sabihin SYET! Winter na naman hahaha…
Posted by jetty at December 9, 2008, 10:36 amOoops! Na extra! Hehe
Hindi ko pa rin ma-gets yung amoy pasko. Pero ramdam at kita ko naman.
Iba talaga Pasko satin. Siguro kung nasa ibang bansa ako uuwi ako tuwing pasko, yun na lang gift ko sa sarili ko.
minsan lang yun biglang lamig eh akala ko may multo na malapit sa akin.. creepy..hehehe. di mo ma-ipagkakaila na malapit na magpasko.
Posted by pakjwan at December 10, 2008, 8:04 pmthank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 26, 2010, 1:15 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
naamoy ko n rin…lalo n pgmadaling araw….hmmm amoy pasko na,hehehehe!
Posted by sunny at December 6, 2008, 5:02 pm