
Mapapatinign ka sa katabi mong di mo kilala pero alam mo na pareho kayo ng iniisip: Kasya pa ba ang isa? Eh halos kalahating puwet mo na nga lang ang nakapatong sa upuan, magsisingit pa ng isa?
Kung Pilipino ka, malamang naranasan mo na ang eksenang ito. Sari-saring nakakatawa and nakakainis na mga eksena ang nagaganap sa loob ng jeep. Marami ako nito, lalo na nung asa kolehiyo pa ako dahil jeep ang pangunahing transportasyon sa UPLB (yun, o maglalakad ka). Hindi ba iba’t-ibang karakter ang makikita mo at iba’t-ibang eksena ang masasaksihan mo?
Iba-iba ang jeep sa Pilipinas…merong mahaba, merong maikli. Merong prang nangangalawang na sa luma, parang kakalas tuwing dadaan ng humps. Merong kung jeep na parang club ang sinakyan mo dahil sa dami ng dekorasyon. Merong napakalakas ng tugtog na para namang disco ang pinuntahan mo. Meron ding may nakalagay na tali sa taas, sa may hawakan, na may kasamang instruction:
“Please fool string to go down.“
Pati mga pasahero iba-iba din. Nandyan yung nadukutan ng di namamalayan. Andyan yung napakaraming dala at lahat ay nasa gitna, wala ka tuloy madaanan. Merong kulang na lang kandungin lahat ng anak para isa lang ang bayaran (malas mo kung ikaw yung katabi kasi para ka na ring nagkandong ng isa). Merong nag-aabot ng bayad na kunwari eh sa kanila yun. Andyan din yung magkarelasyon na nag-aaway.
Minsan, para kang nanonood ng telenovela. May drama…
Lalaki: Hon, kausapin mo na ko. Ano ba nagawa ko?
Babae: [nakatinigin lang sa kabilang direksyon, di umiimik]
Lalaki: Hoonnn… Nagpaalam naman ako. Umuwi naman ako ng maaga. Please, tell me what’s wrong.
Babae: [di parin matinag]
Lalaki: Pleeassee…. [parang maiiyak na ata]
[Ibang pasahero: Parang awa mo na babae…sabihin mo na kasi please!]
may horror…
Sa isang mahabang bihaye pa-Norte [hango sa kwento ng isang ka-opisina]
Pasahero [napansin na ang katabi ng isang pasahero ay di gumigising, di kumakain, di bumababa para umihi…tulog lang ng tulog]: Bakit yang kasama mo parang di gumigising?
Kasama: Ah eto? Patay na to.
[hoooo……]
at syempre may comedy!
Barker: CUBAO!!! CUBAO!!! CUBAO!!!
Babae: Manong Cubao po?
[Aaaargghhhh!]
Pati ako, nakapagbigay na rin malamang ng kasihayan sa mga pasehero ng jeep dahil sa bloopers ko.
Ako [nag-aabot ng bayad, wala sa sarili]: Manong, pabili po.
Driver [nakangiti…malakas ang boses]: Alin? Itong jeep?
Ha. Ha.
Miss ko na sumakay ng jeep.
mukhang masaya ang aura ng blog mo. ![]()
share ko lang yung jeep story ko:
pasahero: manong pwede ng bumaba?
driver: sandali lang po.
after a minute
pasahero: manong pwede ng bumaba?
driver: sandali lang po.
happened three o four times yata, then, nung nung pwede na…
driver: o sige ho, pwede ng bumaba.
pasahero: aba, e sandali lang po!
corny.
pero natawa ako. hehehe.
Ahihi…nakakatuwa naman kwento mo Kg. Honga nakakamiss din sumakay ng jeep… kaya lang pagbaba mo naman… inang ko po sobra sa itim ang loob ng ilong mo…that I don’t miss. Pramis!!!
Have a Happy Sunday Girl!!!
Posted by Jetty at November 2, 2008, 10:03 amLove your new look! So happy!
Posted by TPS at November 2, 2008, 5:49 pmKakatuwa naman mga storya niyo sa jeep! Bem, thanks for dropping by.
Yes, TPS and eks…i agree, mukhang happy ano! Matagal ko yan pinag-isipan at inayos.
Happy Sunday to you too jeanny and jetty (jetty, nice hearing from you!).
Anu kaya nangyari dun sa babae’t lalaki na nag-away?
Pero grabe yung patay sa dyip.
Ako hindi ko na-miss mag dyip dito sa Manila, grabe sobrang hirap.
meron din lahat gagawin para makatipid:
aleng mukang may apat na anak na: [nag-aabot ng bayad] ma, high school lang po.
oo nga naman, pano kung nagaaral pa talaga siya ng high school? kaya lang, school night, nasa kalsada pa siya. haha.
Oo nga mordsith, maraming ganyan…kunwari studyante pero parang dose na ang anak. Pero malay mo nga naman. Studyante pa naman ang grad student diba?
Miss ko rin sumakay ng jeep. =) Naalala ko nung nasa college pa ko, nagtrip yung ibang classmates ko. Kelangan daw may i-try kame before graduation. Hindi kame nagbayad tapos super bilis naming naglakad pagkababa namin. Feeling namin may hahabol saming pulis, hahhaa!
Posted by witsandnuts at November 3, 2008, 10:57 pmnakaka-miss nga ang mga kwentong jeep, lalo wala dito. pero di ko miss ang jeep ng manila, grabe, dami ko bad experiences. ako laging tulog sa jeep sobra. laging lampas na sa dapat kong babaan.
teehee. nakakatawa ung ‘fool the string to stop’
naalala ko tuloy ung nakita ko sa jeep.
“Pag sexy LIBRE, PAG BABOY DOBLE!”
ang mean diba? talagang naka bold pa ung pag baboy doble. hahaha.
masaya kasi ang pinoy. tara na. sakay ka na ulit ng jeep.
bago ang page mo? parang iba.
B IBA!
Posted by Edik at November 5, 2008, 11:35 amNew look lang edik… :0
Posted by kumarenggrace at November 6, 2008, 7:33 amHi KG, nag enjoy ako sa jeepney post mo! I had one funny experience…
yung ale na naka upo sa tapat ko, naka bukas yung zipper. as in all the way! Di ko magawang sabihan kase since lalaki ako, baka isipin nya manyakis ako dahil napansin ko.
Tinanong ko yung katabi kong babae kung pwede nyang sabihan instead of me. Nung sasabihan na nya, bigla kaming nalubak, tumayming yung katapat na ale at biglang hinatak yung zipper nya while nabulabog kami sa galaw ng jeep.
Nag ngiti-an na lang kami ng katabi ko.
thank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 19, 2010, 2:50 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
napadpad po galing sa anything goes.
aliw naman to basahin. lalo na yung blooper mo.
naalala ko tuloy. nung college. nakasakay kami ng jeep ng prenship ko. bababa kami ng buendia. ask ko ang prend, ano nga ba - bwenja o bwendeeya? tiningnan lang ako. hmp… mama, gil puyat po 2.
Posted by bem at November 1, 2008, 12:23 pm