Naalaa mo pa ba ang mga panahon na wala kang cell phone? Pano ka nabuhay? Sa panahon ngayon, parang parte na ng buhay natin ang text at tawag. Parang naging automatic na ang pagpindot sa key pad ng cell phone. Matagal tagal na ng huli kong na-appreciate ang cell phone. Paminsan-minsan talaga, biinibigyan tayo ng pagkakataon na mabigyan natin ng halaga ang “maliliit” na bagay sa buhay natin.
Sabi ni TPS, posibleng mabuhay na walang cell phone. Pag true love daw, hindi mo na kailangan ng cell phone…makakakita kayo ng paraan para mag-communicate. E pano kung di mo naman true love ang taong kailangn mo itext na walang cell phone?
Walang cell phone ang aming bagong driver. Kaya nung nag-ikot kami para sa ibang errands, medyo panic time kung pano nya kami masusundo.Ako: Mang Jun, sandali lang kami dito. Dadaan ka pa ng Mother Ignacia diba? Mga ganu ka katagl dun?
Mang Jun: Di ko po alam eh…hahanapin ko pa kasi po yung lugar.
Ako: Sige…pagkababa mo sa amin derecho ka na dun diba? Mga 12:00 pwede mo nako daanan? [Isang oras]
Mang Jun: Sige po. Dito po uli. 12:30.
Ang kinalabasan : 1:15 na kami nadaanan! Aaarrrghhhh! Wala ksai siyang cell phone para masabihan kami na natagalan siya! Naku, nag-init tala ang ulo ko!!! Ok lang naman sa akin na mag antay, pwede pa naman akong mag-ikot…pero yung di ka maka-alis sa isang lugar dahil inaabangan mo na baka andyan na sya! LINTIK LANG ANG WALANG CELL PHONE!
Kaya naman naisip ko na buti na lang at may cell phone na tayo. Oo, kaya nating mabuhay na wala ito (si TPS nga, halos isang taon walang cell phone), pero mas madali ang buhay pag may cell phone. Hindi ba?
Ikaw, kaya mo ba na walang cell phone?
Kaya natin yan! Basta may landline. At least we will be forced to come on time to whatever appointment we have kasi nga di tayo pwede mag text-an ng “wru?” Hmmmmm. Parang magandang topic yan sa blog, “bakit dapat walang cell phone” hehehe
Posted by wosamia at October 28, 2008, 12:23 pmminsan, masarap lumarga ng walang mobile; parang wala kang tali. hehehe. ito often ang excuse ko, “ay, naiwan ko phone ko e” hahaha! bad.
Posted by caryn at October 30, 2008, 1:19 pmthank you i like coach sneakers
Posted by coach sneakers at September 26, 2010, 1:14 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Alam mo dati, parang hindi ko kaya. Pero ngayon, kaya ko na. Si Jane lang naman ka-text at tinatawagan ko. Eh 24/7 magkasama na kami so hindi na nagagamit cell namin.
Posted by Rico at October 27, 2008, 8:22 am