Para sa lahat ng motorcycle dudes:
Nitong hapon, habang pauwi ako, may napansin akong motorsiklo na pilit sumisingit sa gitna ko at ng kotse sa tabi ko. Wala naman space sa gitna namin at talagang hindi na kasya kahit na motorsiklo. Pero eto sya, pinipilit na gumitna. At naisip ko, “Ano bang problema nito at sinisiksik sarili nya dito?” Bad trip talaga!
Hindi ito personal, pero hindi talaga maganda ang tingin ko sa inyo. Alam ko masama na maghusga ng pangkalahatan (katulad ng pagiisip na lahat ng pulis ay mga “tongpats dudes” kahit na maraming pulis na tapat sa trabaho), pero hindi ko maiwasan. Minsan, iniisiip ko na sana ay pagbawalan na kayong dumaan sa mga major na lansangan. Oo, masamang pag-iisip, per masyado na akong maraming masamang karanasan sa inyo.
-Marahil ay pakiramdam nyo na sa inyo ang daan, lalo na pag nago-overtake. Isipin nyo, ang service road namin ay dalwang lanes lang, opposite lanes. Pero nakagawa kayo ng paraan para gumawa ng sarili ninyong lane–sa gitna! Ayun,kayo at kami at ang iba pang motorista ay nalalagay tuloy sa alanganin.
-Lagi kayong nasa gilid o gitna ng daan, naghihintay ng butas upang umabante at magovertake. Nakaka alanganin ito sa mga koste na nasa likod. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang gusto nyong gawin. Para kayong kiti-kiti na aabante, titigil, pupunta sa kaliwa, pupunta sa kanan! Ano ba talaga! Sa gitna na lang kasi kayo lumagay, okuphanin ninyo ang isang space!
-Pag nakabanga kayo, wag nyo naman takbuhan. Madali sa inyo ay humarurot lalo na kung traffic. Nangyari na sa akin na nabangga ako ng isa sa inyo habang traffic. Ayun, tinakbuhan ako porke kaya nyang lumusot. Wag naman sana ganun.
Mahaba pa ang listahan. Pero ang bottomline, maraming irresponsableng motorcycle dudes. Oo, marami ring driver ng kotse ang ganun, pero mas mahirap sa inyo dahil malilit kayo at para kayong mga daga na laging naghahanap ng butas at lusot ng lusot.
Hindi ako galit sa inyo ng personal. Sumasakay din ako ng motorsiklo…masarap nga sumakay dito dahil ramdam mo ang hangin. At alam ko na marami rin sa inyo ang “safe drivers.” Pero sa napakaraming mahilig rumagasa sa lansangan, sana ay maging responsable tayong mga drivers.
Kaya sa inyong lupon, PEACE tayo!
:)
Dapat ang gawin sa kanila ni bayani na walang ginawa kundi magpa-pogi sa mga posters nya, IGAWAN SILA NG SARILING LANE. maliit na lane na exclusive lang sa mga motorsiklo para wag na silang siksik nang siksik. pag may nakita akong sumisiksik sa gitna habang red light, binubuksan ko ang pinto ng kotse hahaha.
isa pa, mga motorsiklong mahilig sumingit, buksan nyo lagi ilaw nyo maski araw kasi sa payat ng motor nyo, di kayo halos makita ng side mirror ko! grrr!
Posted by kooonin at September 10, 2008, 11:53 amoo tama ka dapat igawan na sila ng sariling lane para di na sila sumisingit.
Posted by enthusiast at September 10, 2008, 11:55 amlagi pang nag-oovertake sa wrong side.
Posted by mordsith at September 10, 2008, 12:17 pmCalling the attention of DPWH and LGUs, pakinggan ang hinaing ng mga tao, lane para sa motorcycle dudes ang pagkagastusan, hwag ang magbakbak ng mga matino pang daan para lang makahingi ng budget, o paglalagay ng “island” na may initials ni Meyor, o pagtanim ng halaman sa tabi ng kalsada pero di naman dinidiligan at patay na agad kinabukasan!
Posted by Wonks at September 10, 2008, 12:52 pmat ang lane para sa mga motorsiklo ay lagyan dapat ng maraming naglalakihang HUMPS para di ako laging nauunahan pagpasok sa opisina hahahaha.
@kg: bkit mo ako inaaway sa blog ko? haha.
Posted by kooonin at September 10, 2008, 3:11 pmHinay-hinay lang po mga pare at mare! Baka mademanda tayo.
Koonin, di kita inaaway. Just providing a female’s perspective.
This is probably the very reason why my H does not want this for a vehicle. We are so needing “service” in going and leaving the office, but he does not approve of a motorcycle, kaya hintay ang Lola para sa malaking sasakyan. Hopefully next year.
Posted by sheng at September 11, 2008, 9:04 amhahaha, you need to listen to mo and the girls every morning sa magic. ang saya kapag may nagsusumbong sila na muntik na nilang nasagasaan ang mga motorcycle dudes.
Posted by eks at September 11, 2008, 11:17 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Buti sana kung kapag nabangga kayo eh hindi kayo masasaktan at iiyak. Ang problema eh ang liit nyo, siguradong tatalsik kayo at ang mga parte ng katawan nyo pag tinamaan ko kayo. Kulang kayo sa respeto. Respeto sa mga motorista at respeto sa buhay nyo. Kung wala kayo nito, wala rin kayong karapatan magmaneho ng kahit anung sasakyan.
Posted by Rico at September 10, 2008, 6:57 am