Para sa lahat ng motorcycle dudes:
Nitong hapon, habang pauwi ako, may napansin akong motorsiklo na pilit sumisingit sa gitna ko at ng kotse sa tabi ko. Wala naman space sa gitna namin at talagang hindi na kasya kahit na motorsiklo. Pero eto sya, pinipilit na gumitna. At naisip ko, “Ano bang problema nito at sinisiksik sarili nya dito?” Bad trip talaga!
Hindi ito personal, pero hindi talaga maganda ang tingin ko sa inyo. Alam ko masama na maghusga ng pangkalahatan (katulad ng pagiisip na lahat ng pulis ay mga “tongpats dudes” kahit na maraming pulis na tapat sa trabaho), pero hindi ko maiwasan. Minsan, iniisiip ko na sana ay pagbawalan na kayong dumaan sa mga major na lansangan. Oo, masamang pag-iisip, per masyado na akong maraming masamang karanasan sa inyo.
-Marahil ay pakiramdam nyo na sa inyo ang daan, lalo na pag nago-overtake. Isipin nyo, ang service road namin ay dalwang lanes lang, opposite lanes. Pero nakagawa kayo ng paraan para gumawa ng sarili ninyong lane–sa gitna! Ayun,kayo at kami at ang iba pang motorista ay nalalagay tuloy sa alanganin.
-Lagi kayong nasa gilid o gitna ng daan, naghihintay ng butas upang umabante at magovertake. Nakaka alanganin ito sa mga koste na nasa likod. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang gusto nyong gawin. Para kayong kiti-kiti na aabante, titigil, pupunta sa kaliwa, pupunta sa kanan! Ano ba talaga! Sa gitna na lang kasi kayo lumagay, okuphanin ninyo ang isang space!
-Pag nakabanga kayo, wag nyo naman takbuhan. Madali sa inyo ay humarurot lalo na kung traffic. Nangyari na sa akin na nabangga ako ng isa sa inyo habang traffic. Ayun, tinakbuhan ako porke kaya nyang lumusot. Wag naman sana ganun.
Mahaba pa ang listahan. Pero ang bottomline, maraming irresponsableng motorcycle dudes. Oo, marami ring driver ng kotse ang ganun, pero mas mahirap sa inyo dahil malilit kayo at para kayong mga daga na laging naghahanap ng butas at lusot ng lusot.
Hindi ako galit sa inyo ng personal. Sumasakay din ako ng motorsiklo…masarap nga sumakay dito dahil ramdam mo ang hangin. At alam ko na marami rin sa inyo ang “safe drivers.” Pero sa napakaraming mahilig rumagasa sa lansangan, sana ay maging responsable tayong mga drivers.
Kaya sa inyong lupon, PEACE tayo!
:)