Sa aking trabaho, ang isang bagay na hindi kami mabubuhay ng wala ay ang computer. Ito ang aming kasa-kasama sa araw araw na nag-e-edit kami ng mga files. Sa sobrang close na namin ng aming mga computers, hindi namin maiwasan ng aking mga officemates na mag-isip: Pano kaya kung may Ctl Z ang buhay?
Alt FS: May mga parte, maganda man o hindi, ng buhay natin na kailanman ay gusto nating naka-store sa ating mga memory; dito magagamit ang Alt FS. (Dito rin magandang gamitin ang Alt O, para kung gusto nating balikan ang nakaraan, mamimili lamang tayo sa mga sinave nating memories.)
Arrow keys: Minsan (o madalas), di natin malaman ang direction ng ating buhay. Napakadali lamang sana kung may arrows din na magututro kung saan ba tayo dapat pumunta. Pwede din natin itong gamitin pag meron tayong specific na parte ng buhay na gusto nating balikan.
Spacebar: May mga tao na dikit ng dikit sa atin kahit na sakal na sakal na tayo sa kanila o di kaya’y kahit na anung gawin natin ay parang ayaw na nating makasama. Mayroon din naman yung mga pilit nating iniiwasan. Spacebar ang kailangan natin. Minsan pa, may mga tao na maraming pindot sa spacebar ang kailangan.
Ctl-Alt-Dlt: Minsan, gusto nating magsarili pansamantala at mawala muna sa gulo ng mundo at ng ibang tao. Maari nating gamitin ang Ctl-Alt-Dlt. Dito, pansmantala tayong nakatago o naka-tune out sa mundo. Hindi tayo pwedeng magalaw o magulo ng kung sino man. Tayo’y nasa temporary isolation. At kapag gusto mo nang bumalik, ay mag-u-unlock ka lang.
F7: Minsan, kailangan nating tumigil at mag-assess…ano nga ba ang mga naging wrong spelling at wrong grammar sa buhay natin? Merong mga suggestions na ibinibigay sa kung ano ang tama. Nasa atin na lamang kung tatanggapin ba natin ang mga suggestions na ito at itatama ang mga maling spelling at grammar.
Ctl C, Ctl V: Kailangang magkasama ang dalawang ito. May mga parte ng ating buhay na kung pwede lang maulit ng maulit. Ang maganda dito, sa isang Ctl C ay pwedeng maraming Ctl V.
Ctl I o Ctl B: May mga parte ng ating buhay na gusto nating i-emphasize para litaw na litaw, pwedeng mga tagumpay natin o kaya mga "proud moments" natin. Pwede natin itong i-Ctl I o Ctl B.
Ctl F: Minsan, parang may kulang sa ating buhay na hindi natin malaman kung ano. O kung alam man natin ay hindi natin makita. Gamitin ang Ctl F.
Ctl N: Kung gusto mong gumawa ng panibagong yugto sa iyong buhay. Hindi nangangahulugang ayaw mo na sa iyong kasalukuyang buhay…nais mo lamang magkaroon ng ibang dimension ang iyong buhay.
Alt F4: Kung gusto mo nang umalis sa iyong buhay.
At ang aking paborito–Ctl Z: May mga nagawa tayo sa buhay natin o kaya mga nangyari sa ating buhay na kung pwede lang ay mabalikan natin para hindi na natin magawa o hindi na mangyari pa. Maari natin itong i-Ctl Z. Iba ito sa Delete dahil pag nag-delete ka, andun pa rin yung katotohanang nagawa mo and nangyari ang isang bagay. Sa Ctl Z, undo talaga at wala nang bakas pa ng naganap. Alam ko gasgas na gasgas na ang statement na "Wala akong babaguhin sa buhay ko dahil lahat ng mga naganap sa aking nakaraan ay nakacontribute sa kung sino ako ngayon." Aminin man natin o hindi, may mangilan-ngilang bagay sa ating buhay na nais nating balikan at i-Ctl Z at baguhin, kung pwede pa.
O diba? Napakadali lang sana ng buhay kung may Ctl Z ano?
I love entry! As in. Hindi lang yung topic, pati yung pagkasulat.
Posted by TPS at May 16, 2008, 11:55 amWow TPS, your compliment means a lot, coming from the [trying-hard] virginal sex kitten!
Thanks!
Posted by kumarenggrace at May 16, 2008, 1:14 pmKG ang ganda ng entry mong ‘to, nakaka relate ako. Lalo na sa Ctl Z, tsaka Ctl-Alt-Dlt, Ctl C, Ctl V, tsaka Alt F4… Di naman parang kelangan i restart ang buhay ko no? hehehehe. Kung pwede din sana may Ctl X then Ctl V, para yung mga ayaw kong nangyari sa buhay ko i-cut ko na lang, then i-paste sa buhay ng ibang tao hehehe.
Posted by Wosamia at May 16, 2008, 1:41 pmgaya ng napag usapan natin ilang taon na ang nakakalipas, kung may Ctrl Z ang buhay, malamang nag crash na ang system sa dami ng gumagawa nito.
Posted by mordith at May 16, 2008, 1:44 pmkung may Ctrl Z (undo), dapat may Ctrl Y (redo). sa pagkakataong nabigla tayong burahin ang isang bagay na ating nagawa dahil sa galit o bugso ng damdamin, mas maganda cguro na merong Ctrl Y na magbabalik nito habang humuhupa ang ating galit o pagkabigla.
asteg ang entry na ito. kudos!
Nice insights! Wel, wosamia, gagawin ko lang ang Ctl X, Ctl Y sa ibang tao pag maganda ang nagngyari…
And that’s why, mordstih, dapat ay gamitin natin ng wasto ang Ctl Z…kung hindi, magcrtacrash talaga ang system!
And ka2x, 100% sang ayon ako na dapat may Ctl Y. Minsan kasi sa bugso ng ating damdamin ay may napapagdesisyonan tayo na hindi dapat. Baka nag Ctl Z tayo tapos nagsisi tayo, at least, pwede natin i-Ctl Y! Galing!
:)
i have the same instinctive urge (ctrl z) whenever i do something wrong in real life. there are also times when i think of “rewinding” a scene.
it’s pathetic — the way we’re losing the distinction between our work and our private lives. it means our our work is slowly taking over our lives. gyaaah!
Posted by onyxx at May 19, 2008, 1:05 pmNice read! Reminds me of the film Eternal Sunshine on a Spotless Mind, ewan ko ba, basta yun ang naisip ko while reading your post : )
Posted by Tricia at May 19, 2008, 10:26 pmat kapag ikaw ay nagugutom nariyan ang pause/ break key.
Posted by hindiakoito at May 20, 2008, 4:50 pmnice post. i was just asking my brother about the same thing when i came upon your site … sana lang tlaga may ctrl z in real life…sigh
Posted by ching at May 21, 2008, 8:01 amThanks everyone! I’m sure God did not put these controls in our lives for a reason….
Posted by kumarenggrace at May 21, 2008, 8:40 amAy huli naman ako sa balita; ngayon ko lang nabasa ito.
Ganda!
Tamang-tama sa napanuod ko ngayon -
“What if there was only one choice and all the other ones were wrong? And there were signs along the way to pay attention to”
Ctrl Z lang sagot pag nagkamali
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Minsan may gusto akong balikan para lang mas mapaganda yung hinaharap, yung mga missed opportunities na kung ginawa ko lang, mas okey sana. Malay natin, baka may makaimbento nito, hindi naman ito imposible. Sinu ba ang mag-aakala nuon na pwede mong makausap ang isang tao sa kabilang dako ng mundo?
Posted by rico (the husband) at May 16, 2008, 10:10 am